Sunday, October 20, 2013
Freddie Aguilar- headline and trending
Freddie Aguilar's girlfriend declares her feelings for the Pinoy rock legend: “Sobra, as in. As in mahal ko siya. Hindi ko masabi kung gaano, kasi walang limitasyon ang pag-ibig, e. Basta mahal ko siya! Iyon 'yun. As in, sobra. Mabait siya. Makulit din. Tapos yung mga mali ko, kinu-correct niya. Minsan naiinis ako, 'Hayaan mo na!' Pero yun ang maganda sa kanya, kasi tinuturo niya sa akin ang tama. Mahal ko siya do'n, e.”
Sa kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ang 16-year-old girlfriend ni Freddie Aguilar, sinabi nitong mahal na mahal niya ang singer.
Kuwento pa ng dalagita sa abs-cbn.com ngayong araw, October 19: “Mahal ko siya. Wala na akong pakialam kung anong nakaraan niya, kung ano siya. Basta love ko siya, iyon 'yon.”
Hindi pinangalanan ng news website ang dalagita dahil menor de edad ito.
LOVE AT FIRST SIGHT? Limang buwan pa lang daw ang relasyon nila ng Pinoy rock legend.
Ikinuwento nito kung paano sila nagkakilala ni Ka Freddie sa isang election sortie sa Oriental Mindoro.
Sinabi nitong hindi naman love at first sight ang kanyang naramdaman para sa beteranong singer noong una niya itong makita.
Dagdag pa ng dalagita, “Actually noong una, hindi e. Akala ko joke lang, e.
“Kasi nga, di ba, celebrity siya, e. Ta's ako, simpleng tao lang ako do'n. Sabi ko, 'Joke ba 'to?'”
Noong panahong yun, binigyan daw siya ni Freddie ng calling card nito.
Umabot daw ng ilang araw bago niya kinontak si Freddie. Ang akala raw kasi niya ay nawala niya ang calling card, pero nasa bulsa lang pala ito ng kanyang shorts.
At noon raw mga panahong yun, hindi naisip ng dalagita na tawagan si Freddie dahil wala naman daw siyang dahilan para kontakin ito.
Ayon pa dito, “Bored lang ako. Naka-unli [unlimited text] naman ako no'n, e.”
Dagdag pa niya, “Tapos, nag-text ako sa kanya. Tapos, yung mga text niya, sakay-sakay din lang.
"Tapos, nung nakipagkita ako sa kanya sa Maynila, nag-stay ako sa bahay niya. Mga twelves days ako do'n.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment